Friday, June 23, 2006
mula naman sa bayan ng los baños :)

Hi DOS!! Una sa lahat, may dalawang bagay akong gustong sabihin. Yung una, miss ko na kayo. Pangalawa, uhmm... miss ko pa rin kayo :)Haha. Ayun. Gusto ko lang ibahagi sa inyo yung mga karanasan ko sa UPLB.

Actually, ok talaga sa UP. Iba't ibang tao talaga yung mga makakasalamuha mo. May mga kaklase akong taga St.Scho dati,Science High Schools,taga-Bicol, taga-Catanduanes, meron ding galing Mindanao. O diba ayos! Parang napakanta ako ng " Mula Batanes hanggang Jolo! Saan ka man ay halina kayo!" Hahahaha. Kung sa kwento ni Leo at ni Pao, nahhirapan sila maghanap ng jologs, sa LB naman hndi ka mahihirapan! Promise. Sosyal na nga ata kami nila Patty dun eh. Haha. Joke lang. :) 2 lang yung prof ko na babae! Kung isasama mo yung mga bading, bali apat na sila. Tas 3 lalake. Nkakaculture shock kasi yung mga prof namen dun nagyoyosi habang nagtuturo, nkaupo sa teacher's table habang nagdidiscuss (samantalang sa holy, masama na yung umupo sa mga lockers hahaha), may komunista, merong din yung may crush sa mga gwapo kong kaklase at hindi ko tinutukoy dito yung 2 babaeng prof ah. ;p sa mga ka-F.I. kong c Cam at Pao, alam nyo bang prof dun c Dennis Gupa? Pero di ko sya prof. Hehe.

Tapos may crush ako!! Yung isa, kapangalan ng ball date ni Jo at ng isa sa mga kambal (mahirap na, baka may makabasang taga-LB) hahaha. Pero hndi ko masyadong crush yun. Konti lang. May super crush ako!!! Tom Welling yung dating nya. SUPERMAN!!! Nako Darna-Superman loveteam ito!! Ang tangkad nya tas parang Español na mestizo. Graaaabbeeee. Ang HOT nya! Freshman din at taga-college of agriculture. Kita nyo, may KENT FARM. Pero napaisip ako, baka naman si Captain Barbell lang yun. Leche. Hahahaha!! Nagkakasalubong lang kami sa campus. Sayang di ko siya classmate sa kahit anong subject. Haaaayyy. Basta yun. Ang gwapo nyaaaaa!!!!!!!!!

Umitim pa pala ako!! Kalalakad sa ilalim ng araw. Di kasi ako sumasakay nung parang ikot jeep dito. Alam nyo na. ngbubudget. Haha. Ang sarap pala ng feeling ng malapit lang yung school mo sa tirahan mo noh?! Ngayon ko lang naexperience umalis ng bahay (in this case, dorm) ng 10 minutes bago mag-umpisa yung class. Haha. Pero sa dorm namen, walang TV! Kaya ang saya saya ko nung nkapanood ako ng bubble gang kagabi! Ginaya pa nila yung MTV ng Narda! Hahaha. All in all, masaya naman. Ang kaso lang, wala kayo..kaya hndi pa rin pala.

May mga panahong umiiyak ako sa dorm sa sobrang pagkahomesick! Tinatawagan ko na nga lang c acy para sumaya saya naman ako. Basta lagi kong iniisip sina mama, papa, ate, tita, mga dogs namin, tska kayo! May mga new friends na ko pero syempre wala pa ring papantay sa inyo. Ayokong maghanap ng katulad niyo dun, yung parang ginawa ni Maiko, kasi alam kong madididisappoint lang ako. Walang kasing sexy ni Jo, kasing galante ni Gec, kasing lakas ng boses ni Cam, kasing bouncy ni Paoskie, kasing corny ni Maiko, kasing lakas kumain ng kanin ni Nikko, kasing tiny ni Leo, kasing conyo ni Izell (ay sus wala talaga!!), kasing ganda ni Kat (o baka mgselos si Paoskie kasi ung kay Kat "maganda" haha), kasing energetic ni Andy, kasing singkit ni Acy, kasing hinhin ni Mony, kasing lakas ni Erniee at kasing babaw ng kaligayahan ni Ishia. Wala talaga. Minsan na nga lang ako makahirit dun eh, tas wala pang tumatawa! Except na lng pag nandun si Patty. Alam nyo naman yun. Bentang-benta ako dun. Haha.

Ayun lang. Sana matuloy yung pagkikita-kita naten next week! Gusto ko na mag-Cheeezzzyy Volcanoo with you! Hahaha. :) Ingat kayo. Wag masyadong malungkot at enjoy-in lang college life. *YAKAP NA SOBRANG HIGPIIITT!* Haha.

**Als



6:34 PM
|





acy
alya
anna
andy
anj
berna
dadine
dichi
dom
izell
kaye
kenwyn
ki
leo
monic
ms besinga
nic
nikko
riri
sam
sammie
sir trogo
tasing
yeye


blogspot
flickr
friendster
photobucket


bamboo
kitchie
maroon5
parokya ni edgar


  • March 1990

  • November 2005

  • December 2005

  • February 2006

  • March 2006

  • April 2006

  • May 2006

  • June 2006

  • July 2006

  • August 2006

  • September 2006

  • November 2006

  • December 2006

  • February 2007

  • Counter
    website counter
    ang nakikitable samin!