Monday, June 19, 2006
Iba nga....
hay.... alam nyo ba, akala ko exciting ang college life! yung tipong, "WAAAW!!! new freeeeeeenssss!!!" ... iba pala...
hay... oo! masaya naman e! ok naman yung kasama ko palagi! :) pangalan nya panga Tin e! :D oha! may close na agad ako! meron din akong group of girls na minsan kasama! :) at hala! may kabonding akong mga koreans! ok naman e! sobrang saya nga! "WAW new prenz" nga... pero... iba parin... hinahanap hanap ko parin ang samahan ng DOS... :) yung tipong may nag j-joke ng corny.. tapos tatawa ako ng sarcastic.. hindi nila gets na sarcastic yon! hala! feeling ko nga akala nila tunay ko na tawa yon! baka iniisip nila.. "ano ba naman to kung tumawa... bukang buka yung bibig na pa isa isa ang 'ha.. ha..' yiiikes" May times naman na ang hirit ko.. akala nila siryoso! parang ako... "Oh no... wrong..." buti nalang minsan nag-gets ni tin! :D kasi mejo kalog din sha!
Ay alam nyo ba... nung isang beses... isang hilera kaming mga girls... yung isang Korean [si Xefin], ako, si Tin, tapos yung isa pa ulit Korean[si Claudia]... nung una okey pa.. s-smile smile pa ako e! kwentuhan... etc.. maya maya... nagkatabi yung arms namin ni Xefin... "hala... ang ganda ng kutis nya..." at after ilang minutes.. kay tin naman natabi... "hala... maganda din kutis nya.. payat pa sha!" na down ako...
Ahy oo nga pala... madaming HOT sa classroom namin! i mean sa block... yun nga lang.. walang "ideal" guy... yung tipong gwapo at mabait at matalino at sporty... at madami pang at... :) at kahit na hindi naman talagang mga konyo ang mga tao samin, di tulad ng sitwasyon ni leo... yung mga jologs, kung ating tatawagin at mga corny... mga lalake... eh na sh-shy ako! :)) hahaha!!! meron din mga girls na pwede kong ka-joke-an.. pero.. hindi sila nakaka connect sa mga hirit ko... iba yung way ng pag deliver nila ng hirit! hay.. wala tlgang tatalo sa hirit ninyo guys! lalo na yung kay alya na pinaka favorite ko! kahit siguro di nakakatuwa.. matatawa parin ako basta't si alya yan!
Ay nako.. kahit na apat kaming DOS sa UST, hindi kami naman nagkaka sama sama palagi! iba iba sched namin kaya paminsan lang kami nakakapag sama sama. Si Gec lang ang madalas kong nakakasama, hule yang si Gec e.. namimiss agad ako!
Basta tuparin natin yung at least once every two months nating pag re-reunions ha?.. hindi na nga once a month e... basta kahit sandali lang masaya na ako... :) nakakamiss lang talaga! wala na kasing papalit pa sainyo! :) Alya, Acy, Andy, Cam, Erns, Gec, Ize, Ishia, Kat, Leoz, Maix, Monique, Nikkz, at Pao! miss ko na kayo! [maiko, gec, acy, oo! kahit kayo.. (gec.. ul*l! heheh!)] iba talaga ang samahan natin guys...
7:06 AM
|